Pamamahagi ng Wheelchairs para sa mga PWD


Namahagi ang San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital Physical Medicine and Rehabilitation Department sa pamumuno ni Dr. Blitzen Espeleta ng mga wheelchairs para sa mga kababayan nating PWD o Persons With Disabilities.

Dinaluhan ni dating Mayor Calex Cataquiz ang nasabing pamamahagi noong ika- 22 ng Disyembre, 2021 sa Old Municipal Hall.

Ang mga nasabing wheelchairs ay donasyon ng Latter Day Saints Charities Physicians for Peace.