PAMIMIGAY NG GULAY SA PANAHON NG COVID-19

Ang programang “Makulay ang Buhay sa Masustansyang Gulay” na pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ay upang pag-ibayuhin ang kampanya para sa tamang nutrisyon.

Nagkaroon ng pamamahagi ng sari-saring gulay si City Nutrition Action Officer Angelina Tapan sa lahat ng Barangay partikular sa mga malnourished, senior citizens, buntis at mga nagpapasuso. Sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng ating Lungsod ay patuloy pa rin ang pag papaalala na ang pagkain ng tama at masustansyang pagkain ay isa sa pangunahing paraan para maiwasan ang sobrang timbang, labis na katabaan o obesity at pagkakasakit.


Nagpaabot ng pasasalamat ang mga nabigyan ng mga gulay at hiling nila na sana ay ipagpatuloy ni Mayor Cataquiz ang mga ganitong programa. Ngayong panahon ng pandemya. Kabilang sa tumulong na namahagi ng gulay ay ang Barangay Nutrition Scholars at mga Punong Barangay noong Hunyo 29-30, 2020.





© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.