Patuloy ang pamamahagi ng gift packages para sa miyembro at opisyales ng TODA


Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng gift packages na handog ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz para sa opisyales at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association na ginanap noong Marso 4, 2021 sa San Pedro Central School.


Pinangunahan ni Coun. Aaron Cataquiz ang pamamahagi ng 585 na ayuda sa San Roque Cataquiz Olivarez ngTricycle Operators and Drivers Association (SRCOTODA) at San Roque Tamuro Landayan (STLTODA). Aniya, “sa kabila ng banta ng pandemya, ako ay nakikiusap na patuloy pa rin kayong sumunod sa health protocol gayundin ang mga nagiging pasahero niyo.” Hiling nito, na magsama-sama at magtulungan ang lahat para sa kagalingan ng lungsod.


Katuwang sa pamamahagi ng ayuda ay sina Coun. Aaron Cataquiz, Coun. Raffy Campos, Coun. Leslie Lu, Coun. Kent Lagasca, Coun. Bernadeth Olivares, Coun. Bobot Berroya at Former Councilor Andy Reyes.

Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni SRCOTODA Pres. Pablito Almeida at STLTODA Pres. Mario Martinez sa tulong na ipinagkaloob ng Pamahalaan.