Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng gift packages


Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng gift packages na handog ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa pamamagitan nina CSWD Head Fatima Autor at OM Secretary Bambi Oblinada para sa opisyales at miyembro ng Jeepney at Tricycle Operators and Drivers Association na ginanap noong Marso 5, 2021 sa Sampaguita Village Elementary School.


Dinaluhan ni Coun. Aaron Cataquiz ang pamamahagi ng 332 na ayuda sa Calendola Village Tricycle Operators and Drivers Association (CVTODA) at Olympia Complex Jeepney Operators and Drivers Association, Inc. (OCJODAI). Sa kaniyang mensahe,” Sa pandemyang ito, hindi po kayo nag-iisa, lahat po tayo ay apektado- walang mayaman, walang mahirap! Kayo po ang unang naapektuhan simula nang mag-lockdown tayo, nawalan ng biyahe at hindi pa bumabalik sa normal ang ating hanapbuhay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyo na kahit ganon, tuloy pa rin ang serbisyo ninyo para sa ating mga commuters. Salamat sa Diyos dahil patuloy pa rin ang pamimigay natin ng biyaya. Mula po ito sa binabayad ninyong buwis at binabalik lang po namin sa inyo. Dahil sa maayos na pamamahala kaya po tayo nakakapagpamahagi hanggang ngayon at asahan po na hanggat meron ay patuloy pa rin po kaming mamimigay.”


Katuwang sa pamamahagi ng ayuda ay sina Coun. Raffy Campos, Coun. Kent Lagasca, Punong Barangay Romeo Poyaoan, Punong Barangay Emmanuel Chavez at Former Councilor Andy Reyes. Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni CVTODA Pres. Alberto Tagulao at OCJODAI Pres. Arvin Quinia sa tulong na ipinagkaloob ng Pamahalaan.