Patuloy ang Vaccine Rollout sa Covid-19 Vaccination Site


Nagpapatuloy ang Vaccine Rollout sa ating Covid-19 Vaccination Site sa San Pedro Astrodome ngayong araw, ika- 7 ng Hunyo, 2021 na pinangasiwaan ng ating City Health Office para sa mga Medical Frontline Workers, Senior Citizens, Persons with Comorbidities at 2nd dose ng mga naunang nabakunahan.


PAALALA: Hindi po tumatanggap ng WALK-IN. Ang mga natext/ natawagan lamang ng CHO personnel ang kailangang pumunta sa araw at oras ng inyong schedule upang masigurong nasusunod pa rin ang minimum health standards lalo na ang Social Distancing.


TANDAAN: Ang pagpapadala ng text invitation ay nakadepende sa Time Stamp o kung kailan nagrehistro online o sa Barangay.


Patuloy ang paghihikayat ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan na magparehistro at magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa mga sakit na dulot ng Covid-19.


Sa mga nais magparehistro online, punan lamang ang form na lalabas sa mga link na ito:

http://bit.do/cityofsanpedrobakuna

Or

https://docs.google.com/.../1FAIpQLSceD4Qn435.../viewform...


Para naman sa karagdagang katanungan hinggil sa Covid-19 Vaccination, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero ng CHO personnel:

09985941744 09609338385 09303249805 09686396344 09452473504


Maraming salamat po. Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!