Patuloy na Cash Asssistance galing sa National Government.


Nagpatuloy sa pamamahagi ng cash assistance na nanggaling sa National Government ang ating Team Ayuda na binubuo ng mga kawani ng ating Pamahalaang Lungsod mula sa iba’t ibang departamento. Sinuyod nila ang Barangay Fatima, Barangay Maharlika, Barangay Sampaguita, Barangay Bagong Silang, Barangay San Lorenzo, Barangay Rosario, kabilang ang idinagdag na malalaking barangay tulad ng Barangay San Antonio (Sitios), Landayan, Langgam, Cuyab at San Vicente (Bayan Bayanan) ngayong ika-20 ng Abril 2021.

Simula kahapon, dinagdagan na ng ating Pamahalaan Lungsod ang bilang ng mga validators at payout personnel. Layunin nito na mas mapabilis at maagang matapos ang pamamahagi ng ayuda. Susundin pa rin po ang naunang schedule maliban sa mga idinagdag na malalaking barangay tulad ng San Antonio, Landayan, Langgam, Cuyab at San Vicente.

Muli ay pinapaalalahanan ang lahat na ang ilan sa mga barangay na pinuntahan ay tanging mga validators muna ang nagpunta upang punan ng mga beneficiaries ang form na ibinigay. Babalikan ang mga nasabing beneficiaries bukas para sa payout ng ayuda.

Laging tiyakin ang pagsunod sa mga health and safety protocols lalong lalo na ang tamang pagsusuot ng FACE MASK at FACE SHIELD at pagpapanatili ng PHYSICAL DISTANCING.

Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!