Patuloy na pamamahagi ng cash assistance na nagmula sa pondo ng ating Pamahalaang Lungsod


Ngayong ika-7 ng Hunyo 2021, ang Team Ayuda ay namahagi ng cash assistance na nagmula sa pondo ng ating Pamahalaang Lungsod. Naglabas ng halagang P41,000,000 ang Pamahalaang Lungsod upang ipamahagi sa iba pang apektadong indibidwal na hindi pa nakakatanggap ng ayuda.


Matatandaan na naipamahagi na ang lahat ng ayuda na nanggaling sa National Government. Pinuntahan nila ang Barangay San Antonio para sa payout ng nasabing ayuda.


Laging tiyakin ang pagsunod sa mga health and safety protocols lalong lalo na ang tamang pagsusuot ng FACE MASK at FACE SHIELD at pagpapanatili ng PHYSICAL DISTANCING.

Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!