Patuloy sa pamamahagi ng ayuda na nanggaling sa National Government.


Nagpatuloy sa pamamahagi ng ayuda na nanggaling sa National Government sa Barangay Fatima, Barangay GSIS, Barangay Calendola, at Barangay Maharlika ang ating Pamahalaang Lungsod kasama ang mga kawani ng CSWDO, CTO, PNP, PAIO at Barangay ngayong ika-17 ng Abril 2021.

Nagpaabot naman ng donasyong 7,000 piraso ng face shield ang Rotary Club of San Pedro kung saan ito ay ibinigay sa mga mamamayan ng San Pedro habang namamahagi ng ayuda.


Ayon sa tagubilin ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, hindi bibigyan ng P1,000 lamang ang isang household, maliban na lang kung nagsosolo sa bahay. Sa isang household, bawat SAP beneficiary, apektadong indibidwal, vulnerable, Solo Parent at PWD ay bibigyan ng P1,000 (per head), subalit hindi hihigit sa P4,000 per household.


Pinapaalalahan po ang lahat na ihanda ang mga sumusunod: — BALLPEN — photocopy ng kahit na anong proof of identification tulad ng VALID ID, Barangay Certification, etc. — photocopy ng BIRTH CERTIFICATE kung wala pang valid ID (sa mga minor)


Laging tiyakin ang pagsunod sa mga health and safety protocols lalong lalo na ang tamang pagsusuot ng FACE MASK at FACE SHIELD at pagpapanatili ng PHYSICAL DISTANCING.

Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!