Pediatric Vaccination (5-11 years old)


Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa pangangasiwa ng City Health Office ang Pediatric Vaccination para sa mga batang may edad lima hanggang labing-isa (5-11) na ginanap sa Robinsons Galleria South Movie World, kahapon, Pebrero 23, 2022. Tinatayang nasa 100- 200 na mga bata ang nabakunahan.

Naging kabahagi ng programang ito ang DOH Region IV- A, Philippine Pediatric Society Southern Tagalog Chapter, San Pedro Laguna Medical Society, Robinsons Galleria South, Tom’ s World, Red Ribbon, Conti’ s Bakeshop at Jollibee Corporation.

Muling hinikayat ng mga kinatawan ng CHO sa pangunguna ni City Health Officer Dr. Robert Olivarez at DOH Region IV- A sa pamamagitan ni Assistant Regional Director Dr. Leda Hernandez ang mga bata at magulang na wag matakot magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa Covid-19 sapagkat ito ay garantisadong ligtas at mabisa.

Dumalo sa pagbubukas ng programang ito sina Councilor Aaron Cataquiz, Councilor Bernadeth Olivares (SP Committee on Health), Councilor Bobot Berroya, Former Vice Mayor Iryne Vierneza, USEC Dave Almarinez at CCR Head Riah Fojas.

Naghandog naman isang sayaw ang Zumba Fitness Instructors ng CHO.

Pagkatapos mabakunahan ay nakatanggap ang mga bata ng mga food packs, toys, face painting at one hour free access at Tom’s World.

Maraming salamat po. Mag- iingat Po #TayongLahat. Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po!