PLANO SA PAGPAPATAYO NG DIVISION OF CITY SCHOOLS BUILDING

Ipinirisinta kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang lay-out o plano ng pagpapatayo ng Division of City Schools Building na ginawa nina Arch. Enrico Baluyot at Engr. Raphael Garcia Jr., June 1.

Saksi sina Former Mayor Calixto R. Cataquiz at District Supervisor Dr. Jovito Barcenas sa planong ito at malaki ang kanilang suporta na maituloy ang pagkakaroon ng Division office sa San Pedro. Ayon kay Dr. Barcenas malaki ang pagbabago kung ito ay matutuloy dahil magkakaroon ng pagtutulungan ng City Government at Department of Education para sa quality learning at matutukan ang sistema sa edukasyon ng San Pedro. Bukod dito, marami rin ang mabibigyan ng pagkakataon na makakapagtrabaho.


June 1, 2020








© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.