Posthumous Recognition and Awarding of Financial Assistance


Sa pangunguna ng ating City Mayor Lourdes S. Cataquiz, isinagawa ang isang Posthumous Recognition and Awarding of Financial Assistance para sa mga naiwang pamilya at kaanak ng former health workers ng San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital (SPJLAEH) na sina Kristine Aguilar at Djoana Dacasin. Ito ay ginanap noong May 24, 2021 sa Ceremonial Hall, San Pedro City Hall.


Ipinarating rin ng ating Punong Lungsod sa kanilang pamilya ang pakikiramay at walang hanggang pasasalamat para sa kanilang dedikasyon sa trabaho at pagsasakripisyo upang makatulong sa mga taong nanganagilangan ng kanilang serbisyo.


Naniniwala ang Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, na ang kanilang sakripisyo ay maituturing na kabayanihan.


Kabilang sa mga dumalo ay sina Councilor Aaron Cataquiz, PAIO Head Jimbo Ambayec, City Health Officer Robert Olivarez, HRMO Head Leah Morando at City Civil Registrar Riah Fojas.