Pre-emptive Evacuation sa Bagyong Ulysses

Nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang CDRRMO para sa paghahanda sa pagdating ng bagyong Ulysses kaninang umaga. Inilikas ng CDRRMO ang sampung (10) pamilya mula sa Sitio Southside, Barangay San Antonio ngayong ika-11 ng Nobyembre, 2020. Ang nasabing lugar ay posibleng magkaroon ng pagguho ng mga lupa kung kaya't sila ay dinala sa evacuation center na nakalagak sa San Pedro Town Center para sa kanilang kaligtasan sa pangagalaga ng CSWDO. Kabilang sa mga tumulong ay ang PNP, POSO, CASTF, at PAIO.