Pre-Marriage Counseling and Family Planning Seminar


"Tuwing Martes at Byernes ay nagsasagawa po ng Pre-Marriage Counseling and Family Planning Seminar ang ating Population Program Officer II Anjo Pararuan Estalilla, kasama sina Designated Population Officer at Public Health Nurse Marivic Olivares at Nurse Nelsie Anne Pedron.

Ginaganap ang programang ito sa City Health Office I (Formerly RHU I), sa Amante Annex, Brgy. Sto. Niño, Lungsod ng San Pedro, Laguna.


Isa po ang programang ito sa mga KINAKAILANGAN ng magkatipan na nagnanais magpakasal. Makatatanggap sila ng SERTIPIKASYON na katunayang sumailalim sila sa seminar na ito. Isa lamang po ito sa malawak na proyekto ng ating Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamumuno ni Hon. Mayor Lourdes S. Cataquiz, katuwang si City Health Officer Dr. Robert R. Olivarez at CCR Riah Temprosa Ramirez.


Sa mga nagnanais sumailalim sa programang ito, kinakailangan po na magpa-schedule muna bago dumaan sa seminar na ito. Maaari po kayong magbigay ng mensahe o tumawag sa mga numerong nakapaloob sa ibaba sa pagpapa-schedule at sa inyong mga katanungan.


Andiolina Estalilla - 09275125870 Etchie Pedron - 09328446448 City Health Office I - 8856-5086


Magandang San Pedro po!"


- Nurse Jill Ambayec