Prostate Cancer Awareness and Prevention Program


Isinagawa ng City Health Office (CHO) ang Prostate Cancer Awareness and Prevention Seminar na dinaluhan ng iba’t-ibang residente at mga kawani ng Barangay at Pamahalaang Lungsod. Ito ay ginanap sa OPD-Jose L. Amante Emergency Hospital noong Hulyo 7, 2021.

Tinalakay ni Health Education Promotion Officer Joseph Peloton ang mga sintomas, uri ng lunas at kung paano maiiwasan ang prostate cancer. Ayon sa kanya, ang nasabing uri ng cancer ay isa sa mga pangunahing problema ng kalalakihan na may edad 40 pataas. Kanyang iminungkahi na magpa-Digital Rectal Exam (DRE) at Prostate Screening Antigen (PSA) test upang maagang mabigyan ng lunas ang sinumang may ganitong karamdaman. Nagkaroon ng libreng PSA test para sa mga kalalakihang dumalo. Ang nasabing seminar ay pinangasiwaan nina CHO Head Dr. Robert R. Olivarez at LCR Head Ms. Riah Fojas.Isinagawa ng City Health Office (CHO) ang Prostate Cancer Awareness and Prevention Seminar na dinaluhan ng iba’t-ibang residente at mga kawani ng Barangay at Pamahalaang Lungsod. Ito ay ginanap sa OPD-Jose L. Amante Emergency Hospital noong Hulyo 7, 2021.

Tinalakay ni Health Education Promotion Officer Joseph Peloton ang mga sintomas, uri ng lunas at kung paano maiiwasan ang prostate cancer. Ayon sa kanya, ang nasabing uri ng cancer ay isa sa mga pangunahing problema ng kalalakihan na may edad 40 pataas. Kanyang iminungkahi na magpa-Digital Rectal Exam (DRE) at Prostate Screening Antigen (PSA) test upang maagang mabigyan ng lunas ang sinumang may ganitong karamdaman. Nagkaroon ng libreng PSA test para sa mga kalalakihang dumalo. Ang nasabing seminar ay pinangasiwaan nina CHO Head Dr. Robert R. Olivarez at LCR Head Ms. Riah Fojas.