PTV para sa Barangay Pacita 2


Sa tagubilin ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, pinangunahan ni City Administrator Engr. Filemon Sibulo kasama si PAIO Head Jimbo Ambayec ang turnover ng Patient Transport Vehicles (PTV) para sa Barangay Pacita 2 na nagmula sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro noong October 19, 2021 sa City Hall Driveway. Ang PTV ay tinanggap ni Punong Barangay Adriano Guillergan Jr. at mga opisyales ng Barangay Pacita 2.

Layunin ng mga sasakyang ito na mas mapabilis ang serbisyo ng kanilang barangay sa mga pasyente ngayong panahon ng pandemya at panatilihing aktibo ang kanilang Emergency Response Team.