Pusong Pinag-isa sa Panahon ng Pandemya


“Buwan ng Pag-ibig” ang buwan ng Pebrero, bilang pakikiisa sa pagdiriwang na ito ay nagdaos ng Mask Wedding o Kasalang Bayan ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro na may temang “Pusong Pinag-isa sa Panahon ng Pandemya” na kung saan 20 na pares ang sabay-sabay na pinag-isang dibdib sa Pavillion Hall noong ika-23 ng Pebrero, 2021.


Ang seremonya na pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ay isang programa na layong makapagbigay ng libreng kasal sa mga residente ng lungsod. Ito ay bahagi ng social program ng City Local Registrar’s Office, sa pamumuno ni Ms. Riah Fojas na ang pangunahing layunin ay maging legal ang pagsasama ng mag-asawa at maiayos ang bawat pamilya. Matapos ang pagbabasbas ay pinagkalooban ang mga bagong kasal ng libreng cake, food at photo services.