PWD Tumanggap ng Prototype Tricycle


Tinanggap ni Confederation of Persons With Disability President Elmer Monzales and tatlong (3) Customized Prototype Tricycle mula kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz. Ito ay pinagkaloob noong February 23, 2021 sa Lobby ng City Hall.


Ayon kay PWD Pres. Monzales ay malaking pasasalamat ang ibinigay na tulong para sa mga may kapansanan. Ito ay ilalagay sa mga barangay na nabibilang sa upper, lower at triangle bilang service na magagamit sa livelihood at emergency situations. Sinaksihan ito nina Coun. Bobot Berroya at CSWD Head Fatima. C. Autor.