QUARANTINE PASS AT MARKET SCHEDULE PER BARANGAY KAILANGAN PA DING SUNDIN

Mensahe mula kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz (July 1, 2020)


Habang tayo ay nasa MGCQ status, epektibo pa rin po ang hawak ninyong QUARANTINE PASS at MARKET SCHEDULE PER BARANGAY. Tignan lamang po ang larawang nasa ibaba at sundin ang mga alituntuning nakapaloob dito.


Hindi po lisensya ang pagiging MGCQ status ng ating Lungsod upang baliwalain ang mga patakaran tulad ng STAY-AT-HOME, WEAR FACE MASK at OBSERVE SOCIAL DISTANCING. Mahigpit pa rin po natin itong ipinapatupad. Kaakibat nito ang ating pakiusap sa POSO, mga Barangay, Kapulisan at iba pa, na mahigpit na ipatupad ang mga batas, ordinansa at iba pang mga alituntunin para sa kapakanan ng ating mga kababayan.


Malalagpasan din natin ang lahat ng pagsubok na dulot ng COVID-19. Maraming Salamat, Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!




© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.