RCSP Donation of Hemodialysis Machines at JLAEH



Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang pagpapasinaya ng tatlong (3) Hemodialysis Machines na donasyon ng Rotary Club of San Pedro (RCSP) na pinamumunuan ni Benjie Garcia at Rotary Club of Iri Dong, South Korea. Dumalo rin sa pasinaya sina Local Civil Registrar (LCR) OIC Riah Fojas, City Health Office (CHO) Head Doc. Robert Olivarez, at RCSP Members. Ang mga makinarya ay nakalagak at magagamit na sa Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) - Hemodialysis Unit.

Layon ng proyekto na makapag-bigay ng libreng serbisyo para sa mga pasyenteng mangangailangan nito.

Ininspeksyon din ni Mayor Cataquiz ang kalagayan ng ilan sa mga pasyente at pasilidad sa Outpatient Department ng JLAEH