ROAD CLEARING TASK FORCE MEETING


Nagkaroon ng pagpupulong ang Road Clearing Task Force sa Ceremonial Hall, San Pedro City Hall noong ika- 15 ng Disyembre, 2020 na dinaluhan nina Former Mayor Calixto Cataquiz, City Administrator Engr. Filemon Sibulo, ABC Pres. Diwa Tayao, City Legal Officer Atty. Don Angelo Luna, CLGOO Lenie Bautista, Planning Officer III Lirio Rivera, City Engineering Office OIC Engr. Emmanuel Ables Jr., CENRO Head Marilou Balba, CASTF Head Arlene Quinto at mga kinatawan mula sa CPDC, BPLO, CDRRMO, PNP, GSO, SPUD, CUDHO, CSO, POSO, DILG, OBO, TMU, City Engineering Office, PAIO at mga Barangay.



Kasama sa kanilang tinalakay ang pagtutuloy ng mga Clearing Operations sa gitna ng pandemya at implementasyon ng pagtatanggal ng anumang uri ng nakakasagabal sa daan. Bumuo din sila ng apat (4) na grupo na pupunta sa mga Barangay upang tukuyin at bigyan ng notice ang lahat ng permanent obstructions katulong ang mga kinatawan ng bawat Barangay. Ang mga nabigyan ng notice ay bibigyan ng hanggang labinlimang (15) araw upang mag- self- demolition. Ang nasabing operasyon ay magtatagal hanggang sa buwan ng Enero sa susunod na taon.