ROAD CLEARING TASK FORCE MEETING



Nagkaroon ng pagpupulong ang Road Clearing Task Force sa Ceremonial Hall, San Pedro City Hall noong ika- 7 ng Enero, 2021 na dinaluhan nina City Administrator Engr. Filemon Sibulo, ABC Pres. Diwa Tayao, CLGOO Lenie Bautista, Planning Officer III Lirio Rivera, CASTF Head Arlene Quinto, OBO OIC Engr. Julieta Tiñana, Mr. Richard Postasa, mga kinatawan mula sa POSO, TMU, DILG, OBO, PAIO at mga Punong Barangay.

Kasama sa kanilang tinalakay ang DILG Memorandum Circular 2020- 145 o ang pagtutuloy ng mga Road Clearing Operations sa gitna ng pandemya at implementasyon ng pagtatanggal ng anumang uri ng nakakasagabal sa daan. Napagkasunduan na ito ay gagawin nang regular na aktibidad at hindi “Ningas Cogon” lamang. Magtatalaga ng mga kinatawan mula sa bawat Barangay na magbabantay sa kanilang nasasakupan upang hindi na magpabalik- balik ang mga inalis na sagabal sa daan.

Nagkaroon din ng pag- uulat ukol sa naisagawa nang Clearing operations sa ilang mga Barangay.