ROAD CLEARING TASK FORCE MEETING


Nagkaroon ng pagpupulong ang Road Clearing Task Force sa Ceremonial Hall, San Pedro City Hall noong Enero 20 at 21, 2021 na dinaluhan nina CLGOO Lenie Bautista, POSO OIC Lirio Rivera, CASTF Head Arlene Quinto, City Engineering Office OIC Engr. Emmanuel Ables Jr., TRU Head Renato Driza, CPDC OIC Victon Balico, OBO OIC Julieta Tiñana, ABC President Diwa Tayao at mga Kapitan ng Barangay.

Kasama sa kanilang tinalakay ay ang demolition, restoration, rehabilitation, rerouting at paglilipat ng mga TODA at pedicab illegal terminals, at pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lumalabag at hindi nakikiisa sa programang ito ng National Government.

Tinalakay din ang pagkakaroon ng grievance help desk hotline at drop box para sa mga feedbacks, comments, suggestions and requests ng mga nakasama sa road clearing.

Lahat ng mga departamento na kabilang sa naturang task force ay muling pinapaalalahanan na ang aktibidad na ito ay dapat na patuloy na ipatupad kaugnay ng Memorandum Circular No. 2020-145. Kailangan din magsumite ng mga Barangay ng proposed designated parking space and one- side parking space.

Ang nasabing pulong ay pinangunahan ng Execom on Road Clearing Task Force.