Rocket Pumps pinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro


Limampung Rocket Pumps ang ipinamahagi at ikinabit sa Brgy. San Roque ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa Barangay San Roque ngayong araw, April 29, 2021.


Sa atas ng Punong Lungsod, ang turnover at installation ng mga poso ay sinaksihan ni Punong Barangay Ronaldo Villanueva kasama ang kanyang mga Kagawad. Layunin nito na mabigyan ng permanenteng maiigiban ng tubig ang mga residente ng Purok 1-6, Mendoza St., Marquez St., Anchoriz St., Cruz St., Main Road, Kalye pogi at Luna Extension. Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni Punong Barangay Villanueva at mga Kagawad sa Pamahalaang Lungsod dahil naibigay ang kahilingan ng kanilang mga ka-barangay.