Sabayang Patak Kontra Polio Patuloy na Isinasagawa


Ang City Health Office ay nagsagawa ng Sabayang Patak Kontra Polio upang mabigyan ng bakuna kontra polio ang mga bata na may edad na wala pang limang taong gulang. May bilang na 36,411 ang mga batang nabakunahan simula August 3 hanggang September 27, 2020. Sinusuyod ng CHO at DOH vaccinators ang lahat ng barangay para sa libreng bakuna.


Hiniling ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil ang oral polio vaccine na ito ay ang pinakamabisang paraan upang mapigilan ang outbreak ng polio.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.