Samahang Kababaihan ng Laguna presents "Community Kitchen"


Ipinaaabot po ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pangunguna ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, ang pasasalamat sa “Bantay Ko, Bayan Ko: Alalay Para Sa Tao” na pinamumunuan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, sa pinamahaging 40 sako ng kalabasa na ipamamahagi rin naman sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng isang Community Kitchen.


Bilang mga kinatawan ng Punong Lungsod, tinanggap ito nina PAIO Head Jimbo Ambayec at Barangay San Antonio Kagawad Gerry Hatulan. Ito ay naganap noong ika-26 ng Mayo, 2021 sa Basement ng San Pedro City Hall.