SAN PEDRO CITY YOUTH DEVELOPMENT PLAN, IBINALANGKAS


Nagsagawa ang Sangguniang Kabataan Federation sa pamumuno ni SK President Earl Gius Castasus ng pagbalangkas ng Local Youth Development Plan noong ika-22 ng Nobyembre, 2020 sa Atrium Hall.


Ito ay dinaluhan ng mga SK Chairpersons and Secretaries mula sa iba’t-ibang barangay. Layunin ng pagtitipong ito na isaayos ang mga programang pangkabataan para sa taong 2021 hanggang 2023. Nagbigay ng makabuluhang mensahe si CGLOO Lenie Bautista. Nagsilbing Resource Person at Facilitator ang OIC ng City Youth and Sports Development Office na si Glenn Torrecampo sa nasabing pagtitipon. Matapos ang pagbalangkas ng plano, pagtitibayin naman ito ng Local Youth Development Council bago ihain kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz.