San Pedro Community Pantry


"Magbahagi ayon sa kakayanan, tumanggap ayon sa pangangailangan”


Isang paghikayat sa ating mga kababayang may mabubuting kalooban.


Sa mga nais pong magbahagi ng tulong (in-kind), sumadya lamang sa mga Maginhawa- inspired Community Pantry sa ating Lungsod na sinimulan ng mga pribadong indibidwal na may mabubuting puso. Matatagpuan ang mga nasabing Community Pantries sa gilid ng San Pedro Apostol Parish, Barangay Landayan at Pacita Avenue, Barangay Pacita 1.


Magtulungan po tayo ngayong panahon ng pandemya.


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!