San Pedro Medical Center, ginawaran na ng Permit to Construct


Aprubado na ng DOH Center for Health Development (Region IV- A) ang Permit to Construct ng San Pedro Medical Center, isang Level 3 Hospital na may mahigit 100 bed capacity at may kumpletong medical and diagnostic services, sa Barangay Narra. Ang nasabing ospital ay proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz na magbibigay daan para sa adhikaing mas mailapit at mas mapalawak ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan.

Personal na tinanggap ni Mayor Cataquiz ang sertipikong ito kasama sina City Civil Registrar’s Office Head Ms. Riah Fojas at Nurse Romnick Aguilar noong Marso 8, 2022.