San Pedro Rehabilitation Clinic, Pinalakas


Pinangunahan ni Konsehal Aaron Cataquiz ang pagpapalakas sa libreng check up para sa mga stroke patients at nais magpalagay ng brace o prosthetics na naputulan ng paa o kamay, maging ang mga may polio o scoliosis. Sa pamamagitan ni Rehab Medicine Dr. Blitzen Maximillan Espeleta ay nakapagbigay na ng serbisyo ang San Pedro Rehabilitation Clinic simula noong July hanggang September 2020. Napakalaking tulong nito sapagka’t hindi na kinakailangang sumadya o pumunta pa sa malalaking ospital para magpasukat at magpagawa ng mga braces.


Sa mga nais na magkaroon ng murang braces o prosthetics at orthosis o may kakilalang nangangailangan nito, maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Espeleta o tumawag sa numerong 8655-2261.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.