Serbisyong medikal na ipinagkakaloob ng San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital (SPJLAEH)


Sa kasalukuyan, patuloy ang mga serbisyong medikal na ipinagkakaloob ng San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital (SPJLAEH) para sa mga mamamayan ng San Pedro. Kabilang na dito ang Emergency Services, Newborn Screening, Dental Services, Clinical Laboratory, Hemodialysis, Electrocardiogram (ECG), General Surgery, Obstetric and Gynecology, Physical Medicine and Rehabilitation, Opthal Services, Free Anti- Rabies Vaccine at marami pang iba.


Narito din ang bilang ng mga pasyenteng nabigyan ng serbisyo sa SPJLAEH at Gavino Alvarez Lying- In Center (GALIC).


Sa nalalapit na panahon ay pasisimulan na ang pagtatayo ng San Pedro Medical Center, isang level 3 (tertiary) hospital na may 166 bed capacity sa nabiling 1.3 hektaryang lupa sa Barangay Narra.

Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz na ilapit sa ating mga kababayan ang mga serbisyong medikal na ito upang mas mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Sinisikap din na mas mapalago at madagdagan pa ang mga serbisyong ito para sa kapakanan ng ating mga kababayan.


Para sa mga karagdagang katanungan, makipag- ugnayan lamang sa City Health Office o tumawag sa mga numerong 8801- 0182 or 8808- 5301.

Maraming salamat po.