Solar Lights para sa mamamayan ng Barangay United Bayanihan


Nagkaloob ng 25 na solar lights ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz para sa mga mamamayan ng Barangay United Bayanihan, Langgam at Southville 3A Extension. Tinanggap nina Punong Barangay Calixtro Alviar at Brgy. Langgam Kagawad Daniel Jantoc ang mga nasabing solar-powered streetlights noong May 20, 2021.


Layunin nito na masigurong ligtas at maliwanag ang mga daan sa kani-kanilang mga lugar.