Solid Waste Management Seminar


Ginanap sa Atrium Hall, San Pedro City Hall ang pagpupulong ukol sa Solid Waste Management ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pangunguna ng mga Environmental Management Specialists (EMS) na sina Engineer Ervin Piocos para sa Water Management; Forester Alan Nonan para sa Air Management; Warren Guinto para sa Solid Waste Management at Forester John Palomar noong ika-9 ng Oktubre 2020.

Ang layunin ng pagpupulong na ito ay upang mas palawigin pa ang naumpisahang programa ng CENRO ukol sa patuloy na pagbabawas ng mga itinatapong basura sa ating Lungsod sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga nabubulok, hindi nabubulok, mga delikado at ang mga pwede pang mapakinabangan. Naging matagumpay ang pagsisimula ng programang ito sapagkat maraming mamamayan ng San Pedro ang nakilahok, kung kaya’ t ito ay ipagpapatuloy ng ating Pamahalaang Lungsod.

Ayon kay CENRO Head Marilou Balba, magtatalaga sila sa mga kabahayan ng “Wow Officers” na mamamahala ng kanilang mga basura.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga Baranggay Kagawad na Tagapangulo ng Committee on Environment at Barangay Environment and Natural Resources Officers (BENRO).

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.