
Sa tagubilin ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, namahagi ang Gender and Development Office sa pamumuno ni Bb. Rochelle Cariño ng 87 units ng MyPhone MyT8 tablets sa mga mag- aaral ng iba’t ibang baitang sa Lungsod ng San Pedro noong Disyembre 31, 2021. Layunin ng programang ito na matulungan ang ilan sa mga kapos- palad nating kababayan na nais ipagpatuloy ang kanilang pag- aaral sa gitna ng pandemya.
Taos- pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga mag- aaral at magulang sa Pamahalaang Lungsod.