TARGET SETTING NG LUNGSOD PINAGHAHANDAAN

Pinulong ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang lahat ng Department at Unit Heads ng Pamahalaang Lungsod upang pag-usapan ang magiging bahagi at partisipasyon ng bawat isa sa gagawing pagpaplano ng mga proyekto at programa na nakapaloob sa Annual Investment Plan (AIP) ngayong panahon ng pandemya. Ito ay ginanap sa Ceremonial Hall noong June 26, 2020.


Ayon kay Mayor Cataquiz, kinakailangang magkaroon ng assessment ang bawat departamento kung ano ang kanilang nagawa at hindi pa nagagawa, mag-isip ng paraan na maipagpatuloy ang AIP kahit may malaking kinakaharap na pandemya ang Lungsod. Dagdag pa nito, hiniling niya na tulungan ang mga income generating office upang makaipon muli at makabuo ng mas magandang proyekto at epektibong programa para sa ating mga kababayan.






© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.