Tulong para sa Pamilyang Nasunugan sa Brgy. Cuyab


Hygiene and sleeping kits na may kasamang face mask at alcohol mula sa ating Pamahalaang Lungsod para sa mga kababayan nating naapektuhan ng sunog kaninang hating-gabi sa Barangay Cuyab. Kasama si Konsehal Bobot Berroya, Kapitan Boy Pastidio, CSWDO, CDRRMO, at iba pang kawani ng pamahalaan, maraming salamat po sa inyong tulong at dagliang pagtugon!