Tulong Pinansyal sa mga Mag-aaral na Kinakapo


Pinangunahan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz ang pamamahagi ng Tulong Pinansyal sa mga Mag-aaral na Kinakapos (Batch 2 para sa taong 2022) sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at Gender and Development Office sa pamumuno ni Ms. Fatima Autor at Ms. Rochelle Cariño kasama ang City Treasurer's Office sa pamumuno naman ni Ms. Enelyn Abaigar noong Marso 23, 2022, araw ng Miyerkules sa City Hall Grounds. 492 recipients mula elementary hanggang college ang nakatanggap ng financial assistance.

Hangad ng Pamahaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cataquiz na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga estudyanteng higit na nangangailangan habang sila ay sumasailalim sa online classes upang maibsan ang kanilang pinagdadaanang hirap na dulot ng pandemya.