Tuluy- tuloy ang isinasagawang Vaccine Roll out para sa A1 at A3 categories


Tuluy- tuloy ang isinasagawang Vaccine Roll out para sa A1 at A3 categories at 2nd dose ng mga naunang nabakunahan sa Immunization Operation Center, San Pedro Astrodome na pinangasiwaan ng City Health Office. Matatandaang dumating ang mga nasabing bakuna noong nakaraang Mayo 13, 2021.


PAALALA: Hindi tinatanggap ang WALK-IN! Ang mga natext/ natawagan lamang ng CHO personnel ang kailangang pumunta sa araw at oras ng inyong schedule upang masigurong nasusunod pa rin ang minimum health standards lalo na ang Social Distancing.


TANDAAN: Ang pagpapadala ng text invitation ay nakadepende sa Time Stamp o kung kailan nagrehistro online o sa Barangay.


Patuloy ang paghihikayat ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan na magparehistro at magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa mga sakit na dulot ng Covid-19.


Sa mga nais magparehistro online, punan lamang ang form na lalabas sa mga link na ito:

http://bit.do/cityofsanpedrobakuna

Or

https://docs.google.com/.../1FAIpQLSceD4Qn435.../viewform...


Para naman sa karagdagang katanungan hinggil sa Covid-19 Vaccination, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero ng CHO personnel:

09985941744 09609338385 09303249805 09686396344 09452473504


Maraming salamat po. Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!