Tunog San Pedro Music Festival 2021



Bilang pagtatapos ng National Art’s Month sa ating lungsod, isinagawa ang Tunog San Pedro Music Festival 2021, ang kauna-unahang music and song writing competition sa San Pedro, Laguna, sa tulong at suporta ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz. Pinangunahan ito ni San Pedro City Tourism, Culture and Arts Office OIC John Filemon P. Manzano, kasama ang mga staff ng TCAO at sa pakikipagtulungan ng Robinson’s Galleria South. Pinakulay ito ng live performance ng Tribu Magayon.


Labing-pito (17) ang opisyal na lumahok sa nasabing kompetisyon ngunit lima (5) lamang ang nakapasok sa ikalawa at huling round ng kompetisyon, ang Live Performance, kung saan nagtagisan ng galing ang limang (5) interpreter at composers na ginanap sa Central Garden Galleria South noong ika-28 ng Pebrero. Si Maki Cao ang nag-uwi ng titulong Best Song Interpreter sa pag-awit ng kantang “Magandang San Pedro” na isinulat at inilapat ni Dennis Maningas, habang tinagurian namang kauna-unahang Overall Grand Winner si Romeo T. Bautista para sa pagsulat at paglapat ng awiting “Magandang San Pedro Po!” na inawit ni John Philip Bautista.


Maliban sa cash prize na natanggap ng nagwagi ay gagamitin rin ang kaniyang awitin bilang official Tourism Jingle ng San Pedro City. Maririnig naman ang mga awitin ng natitirang finalists sa iba pang okasyon at pagiriwang na may kinalaman sa ating lungsod-- “Magandang San Pedro” by Dennis Maningas, “Ariba San Pedro” by Chester Francisco, “Magandang San Pedro” by Aaron James Mabuyo, at “Sampaguita Sa San Pedro” by Harmon Arceo.