Turn-over and installation of Rocket Pumps


Labing tatlong (13) Rocket Pumps o poso ang ipinamahagi at ikinabit ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ngayong May 17, 2021 sa Brgy. San Vicente.


Layunin nito na mabigyan ng permanenteng maiigiban ang mga residente ng Almendrala St., J. Herrera St., Remerata at San Vicente St. Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni Punong Barangay Diwa T. Tayao at mga Kagawad sa Pamahalaang Lungsod dahil natupad ang kahilingan ng kanilang mga ka-barangay.