Turnover ng 2 Patient Transport Vehicles (PTV)


"Pinangunahan po ng inyong lingkod ang turnover ng 2 Patient Transport Vehicles (PTV) Sa Barangay Maharlika at Barangay Laram na nagmula sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro. Ang mga PTVs ay tinanggap ni Punong Barangay Jesse James Ting ng Barangay Maharlika at mga opisyales ng Barangay Laram.


Layunin ng mga sasakyang ito na mas mapabilis ang serbisyo ng kanilang barangay sa mga pasyente ngayong panahon ng pandemya at panatilihing aktibo ang kanilang Emergency Response Team."


- Mayor Lourdes S. Cataquiz