Unveiling Ceremony para kay FM Ernesto Climaco


Binigyang pagkilala ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz si Former Municipal Mayor Ernesto Cimaco sa pamamagitan ng isang unveiling ceremony at paglalagak ng kanyang larawan sa Ceremonial Hall noong Marso 11, 2022.

Si Mayor Climaco ay naglingkod bilang Municipal Mayor mula Enero 1988 hanggang Marso 1988.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan nina Councilor Aaron Cataquiz, Councilor Bernadeth Olivares, ABC President Diwa Tayao, Former Vice Mayor Iryne Vierneza, Dr. Marion Acierto, Brgy. Captain Romeo Poyaoan at ang pamilya at mga kamag- anak ni Mayor Climaco.

Naisakatuparan ang palatuntunang ito sa pamamagitan ng City Tourism, Culture & Arts Office at Public Affairs and Information Office.