Visual Inspection of the Cervix with Acetic Acid (VIA)


Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni Punong Lungsod Lourdes S. Cataquiz, sa pamamagitan ng City Health Office, ay nagsasagawa ng "Visual Inspection of the Cervix with Acetic Acid (VIA)" sa Rural Health Unit I para sa lahat ng kababaihan sa lungsod ng San Pedro. Ito ay isang programa upang malaman kung may posibilidad na magkaroon ng cervical cancer ang isang babae at upang mabigyan ng payong medikal ang bawat kababaihan sa lungsod. Namigay rin ng hygiene kit ang CHO para sa mga kababaihang sumailalim sa programang ito.


Pinangasiwaan nina City Health Officer Dr. Robert R. Olivarez at Administrative Officer IV Nurse Riah Temprosa Ramirez ang nasabing programa.


Ito ay isinasagawa tuwing Martes at Biyernes, sa ganap na alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.