World No Tobacco Day


Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, katuwang ang City Health Office at City Environment and Natural Resources Office ay nagdaos ng isang motorcade sa buong Lungsod kaugnay ng pagdiriwang ng World No Tobacco Day kahapon, ika- 31 ng Mayo, 2021.


Ito ay pinangunahan ni City Health Officer Dr. Robert Olivarez, City Registrar Riah Fojas, CENRO Head Marilou Balba at Tobacco Control Program Coordinator Joseph Raymond Peloton. Kasama din sa naturang pagdiriwang ang kinatawan mula sa 27 Barangays, Berbacs, San Antonio Health Center, GALIC, Rural Health Center 2, at San Vicente Health Center.


Nagkaroon din ng maigting na kampanya at pagpapaalala sa mga mamamayan hinggil sa masamang epekto ng sigarilyo hindi lang sa ating kalusugan kundi pati na rin sa ating kalikasan. Ang pagdiriwang na ito ay suportado ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.